Kaya mo ba talaga? ito ang bagay na nais kong itanong sa iyo, dahil tumambay ka sa blogger nato, may mga ilang bagay akong nais itanong sa iyo.
Problema, kaya mo ba talaga i yan? alam kong madalas mong ikubli ang bagay na iyan sa ilalim ng iyong magagandang ngiti, teka, teka, maganda nga ba talaga? Sa harap lang ba? hahaha ok narin yan, yan lang din naman ang makikita nila eh... hindi mu naman na kailangan ngumanga sa harapan nila. hahaha joke :)
Madalas sa atin ang magpanggap, minsan gusto natin ipakita na masaya tayo kahit hindi naman talaga, minsan din gusto natin ipakita na kaya nati gawin ang isang bagay kahit hindi naman talaga natin kaya, gusto natin ipakita na kayang kaya natin gawin lahat para sa ikakasaya nila.
Kaya mo ba talaga? kaya mo pabang saluhin mag-isa ang lahat? Hindi naman natin kailangan magpanggap, maipakita lang sa kanila na tayo ay matatag. Pamilya, Kaibigan, kaya nga meron tayo niyan, binigay sila saatin ng Diyos para katulong sa buhay, syempre bilang kalapit sa buhay ganun din naman tayo sa kanila.
Kung ganyan ka, i hinto mo na iyan ha :) mamaya makita kita sa tabi naka salpak at nag iiiyak. Ihinto mo na iyan, mas masarap sa pakiramdam ng may katulong sa buhay tandaan hindi kailangang mag panggap :)
Kaya mo yan :)
TumugonBurahinKaya mo yan :)
TumugonBurahin