Miyerkules, Abril 22, 2015

Paano Ka Mag-isip?

Gulong, dito madalas ihalintulad ng ilan ang buhay nating tao dito sa mundo.
   Sabi ng ilan kapag nasa ibabaw ka daw, kasiyahan at kaginhawahan, at kapag nasa ilalim ka naman, kalungkutan at kabiguan.,
   Paano ka mag-isip kung makiramdam moy nasa ilalim kana?  Kapag ba nabigo ka ay ayaw mo ng magsimula muli?   Kapag ba nasaktan ka, ganti ang gusto mong isukli? 
    Hindi naman natin kailangang mapunta sa ibabaw para masabi na tayo ay masaya. ang mahalaga kuntento at palaging nasa tama ang atin ginagawa.
Maraming darating na pagsubok sa buhay natin na ipapakita kung gaano kasaya at kalupit ang mabuhay dito sa daigdig natin, at ang mahalaga kung papaano tayo, ikaw, mag-isip. kung papaano natin titingnan ang mga pagsubok sa buhay natin :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento