Lunes, Abril 13, 2015

Sino Kana?



Sa buhay, may mga pag kakataong kailangan nating mamili, may mga disisyon taong isinasakatuparan para sa ikakabuti mismo natin o ng mga taong nakapaligid satin.
Pangarap, ito ang isa sa nagbibigay sa atin ng direksyon, may mga disisyon tayong isinasakatuparan maabot o makamit lamang ang kanya kanya nating pangarap, nagiging daan din ito upang manatiling matatag sa ating pakikipaglaban sa hamon ng buhay natin.

Sa pagkamit ng pangarap, tiyak na kasiyahan at kaligayahan ang mararamdaman natin para dito. Dinudugtungan pa nga natin ito ng panibagong pangarap para sa mas ikasasaya at ikagiginhawa  nating mga tao dito sa mundo.
Sa paglipas ng panahon nakikita pa ba natin kung Asan na tayo? kung Asan Kana? Oo masaya tayo, pero masaya ba ang ibang tao para sa atin? Oo matagumpay tayo, pero sa kabila non ay wala bang ibang taong  na sasagasaan na natin?  Sa madaling salita nakakakilos ba tayo ng walang nasasaktang ibang tao? 
               Ito sana ang bagay na isama natin sa ating mga layunin, ang pag bibigay halaga sa mga taong naka paligid satin, dahil dito natin makikita ang tunay na tagumpay ng buhay natin :)

2 komento: