Biyernes, Mayo 8, 2015

Think Before You Speak ^__^

Ikaw ba ay nag-iingat sa mga bawat salitang lumalabas sa bibig na iyan?
   Hmm gusto kulang ipaalala sa iyo that we can hurt and break someone, kung hindi natin pinag-iisipan ang mga bawat salitang sasabihin natin.
        May mga salitang okay lang satin sabihin, pero hindi naman maganda pagdating sa pandinig ng ibang tao, Kaya siguro think twice, thrice, fries teka wala naman nito ahhh hahaha. Bago natin sabihin ang isang bagay sa isang tao.
      May mga nasasabi din tayo na hindi na natin pweding bawiin kasi nga nakasakit na tayo, kung bawiin man natin maniniwala ba sila? gayong alam nila na yoon talaga ang nilalaman ng isip natin.
Minsan naman sasabihin natin wala akong pakeelam sa sasabihin ng ibang tao sasabihin ko ang gusto kong sabihin, hmm tayo parin ang mahuhusgahan ng ibang tao, Think as we speak para sa ikakasaya natin dahil walang naiinis saatin, at ikakasaya naman nila dahil hindi tayo nakakasakit. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento